Ang maagang pagpaplano: Sikaping maging ligtas ang iyong sarili
Alamin ang mga
babala o sinyales ng pangkarahasang domestiko. Ito ay mapanganib, kung inaakala mo na maayos ang lahat, kadalasan ito ay nagiging malala.
Ikaw at ang iyong mga anak ay maaring makapagplanong mabuti para sa inyong kaligtasan kung dumating man ang panganib.
Ang karahasang domestiko ( domestic violence) ay labag sa batas ng estado ng Washington, at ang korte ay tutulong sa iyo upang ikaw ay maging ligtas. Halimbawa: kailangan mong kumuha ng protection order upang ikaw at ang iyong mga anak ay hindi malapitan o mapuntahan ng nang-abuso sa iyo.
Ang
hotlines, shelters at advocates ay makakatulong din sa iyo.
Maaari ka ring humingi ng
ng tulong sa pinansyal mong kalagayan upang ikaw ay maging malaya at hindi umasa sa nang -abuso sa iyo.
Ikaw ang may kontrol sa iyong kalagayan. Huwag kang matakot humingi ng tulong.
Ano ang mga babala o sinyales ng karahasang domestiko?
Ginagawa ba sa iyo ng kapareha mo sa buhay ang mga sumusunod:
- Harapang pang-iinsulto sa publiko?
- Inaalam kung saan ka nanggaling at sinong mga kinakausap mo?
- Minamaliit ang pamilya at mga kaibigan mo?
- Sinasabi sa iyo na ang pagseselos ay tanda ng pagmamahal?
- Sinisisi ka kung bakit ka inaabuso?
- Kinokontrol kung saan ka pupunta at ano ang iyong gagawin?
- Kinokontrol ang iyong pananalapi?
- Sinisira ang iyong mga gamit?
- Binabantaan na sasaktan ka, ang iyong pamilya at alagang hayop?
- Pinipilit kang makipagtalik sa paraang hindi komportable sa iyo.
- Hinahawakan ka sa pamamaraang nakakasakit at nakakatakot sa iyo?
- Sinasabing ang takot mo ay hindi mahalaga?
Kung ang mga sumusunod na ito ay nangyayari sa iyo, maaring ikaw ay nasa panganib.
Humingi ng tulong sa isang taga payo o taga suporta (advocate), upang matulungan ka sa pagpaplano para sa iyong kaligtasan.
Mga listahan sa pagpaplano para sa kaligtasan
- Alamin kung saang lugar ng bahay ka lalabas kung sakaling mangyari ang pang-aabuso.
- Kung walang paraang makalalabas ng bahay , tawagan ang 911, kung wala kang paraang tumawag, utusan ang mga anak na tumawag ng 911.
- Ipaalam mo sa mga pinagkakatiwalaan mong mga kaibigan, kamag-anak at kapit-bahay kung ano ang nangyayari. Dapat alam nila ang kanilang gagawin kung sakaling marinig nila na kailangan mo ng tulong.
- Kung ang nang-abuso sa iyo ay lumipat ng tirahan , palitan mo ang kandado at numero ng telepono. Planuhing mabuti kung ano ang gagawin kung sakaling ang nang-abuso sa iyo ay bumalik at gustong pumasok sa bahay.
- Alamin ang mga ligtas na lugar na na dapat mong puntahan , ang kublihan (shelter) ang isa sa mga ito. Mas makabubuti kung hindi alam ng nang-abuso sa iyo ang lugar na iyong pupuntahan.
- Gumawa ng mga kopya ng importanteng papeles. Magtago ng mga kopya para sa iyo at ilagay ang iba sa ibat-ibang lugar.Bigyan ng kopya ang tagapayo at ilang miyembro ng pamilya na malapit sa iyo.
Ilagay ang mga importanteng numero ng telepono sa iyong pitaka at sa lugar na madali mong makuha. Tandaan ang mga importanteng numero sa panahon ng panganib tulad ng 911.
- Para sa madaliang pag-alis, maghanda ng ilang damit, gamot at mga mahahalagang dokumento na kakailanganin mo at ng mga anak. Itago ang mga ito sa lugar na madali mong makuha kung ikaw ay nagmamadali.
- Humingi ng tulong sa isang tagapayo (advocate) , na makakatulong kung kailangan mong kumuha ng protection order at planuhin kung paano ang inyong pananalapi o pangkabuhayan.
Mga importanteng bagay na dapat dalhin sa pag-alis:
- Identification papers: lisensya sa pagmamaneho, pasaporte, papeles ng kapanganakan at ng iyong mga anak ( birth certificate) social security cards, at mga papeles galing sa imigrasyon, I-94 at work authorization cards.
- Mga legal na papeles: Protection order, papeles sa paghihiwalay ng mag-asawa (divorce papers) papeles ng inyong kasal ( marriage certificate) kasulatan sa renta ng inyong tinitirahan ( rental agreement) at rehistro ng sasakyan.
- Mga papeles tungkol sa pananalapi ( Financial Papers): kagaya ng: papeles galing sa bangko, libreta ng bangko, mga tarheta na ginagamit mo upang makakuha ng pera sa bangko (debit cards) mga tarheta na ibinigay ng mga kumpanya upang ikaw ay makautang ng pera (credit cards) at kopya ng buwis (tax return).
- Listahan ng mga kakilala ( contacts): mahahalagang numero ng telepono, listahan ng lugar ng mga kakilala (address book).
- Mahahalagang gamit: pera, alahas, mga litrato at paboritong laruaan ng iyong mga anak.
- Mga susi: bahay at kuwarto, sasakyan at opisina.
- Pangkalusugan: Mga gamot, pangalan at telepono ng duktor at listahan ng pagpapagamot at bakuna.
- Mga impormasyon tungkol sa nang-abuso: Buong pangalan, araw ng kapanganakan, social security number, katayuan sa buhay (legal status) impormasyon kung magkano ang kanyang kinikita (income information) at pinakabagong litrato.
Tandaang mabuti, ang mahusay na pag-iingat , mag-titiyak ng iyong kaligtasan.
Protection Orders
Kung ikaw ay inabuso, mayroon kang karapatan sa sistema ng korte
- Ang Protection Order- isang kasulatan o kautusan galing sa korte na nagpapatunay na mayroon kang proteksyon ayon sa batas.
- Kahit wala kang status o hindi ka citizen, pwede kang makakuha ng protection order, sa katunayan ang papeles galing sa korte dahil sa pang-aabuso sa iyo ay makakatulong sa kaso sa imigrasyon.
- Ang Protection order ay nag-uutos sa abusado na hindi siya maaring lumapit, manakot manakit, mang-asulto sa sekswal na pamamaraan, tumawag sa telepono sa iyo, sa mga anak mo at sa alin mang miyembro ng pamilya. Ito rin ay nag-uutos na ang abusado ay dapat umalis sa bahay ninyo.
- Kung ang abusado ay hindi sumunod sa ipinag-uutos ng korte, maaari siyang maaresto, masentisyahan at mag-multa. Kung ang mga kautusan ay hindi sinunod ng abusado, kailangang mong tumawag at ipaalam sa pulis o bumalik sa korte kung saan nakakuha ng protection order.
- Kailangan lagi mong dala ang kopya ng protection order sa lahat ng oras upang maipakita sa pulis kung sakaling hindi ito sinunod ng abusado.
- Magbigay ng kopya ng kasulatan sa korte sa tagapag-alaga ng iyong mga anak, (daycare center) o eskwelahan, mga pinagkakatiwalaang kaibigan at miyembro ng pamilya, at trabaho(employer).
- Ang protection order ay hindi permanente, at napapaso (expire) sa takdang panahon kung hindi ka kikilos para ipagpatuloy ito.
- Ang protection order ay makakatulong makuha ang pansamantalang pamamahala sa iyong mga anak.
Ang kublihan (shelter) para sa mga inaabusong kababaihan at ang programa sa pagpapayong legal (legal advocacy program) ay makapagbibigay ng mga impormasyon kung paano kumuha ng protection order at paano maipagpapatuloy kung ito ay mapaso. (expired).
Maaaring humingi ng pansamatalang kasulatan galing sa korte ( protection order) sa pinakamalapit sa tinitirahan mo sa (mataas na korte, distretong korte at munisipyong korte). Ang pansamantalang kautusan sa korte (protection order) ay may bisa hanggang dalawang linggo. Pagkaraan ng dalawang lingo, kailangan mong bumalik sa korte at humarap sa huwes upang madesisyunan kung kailangan mo ng proteksyon na magtatagal sa isang taon o higit pa.
Kung ikaw ay hindi nagsasalita ng Ingles o tumutulong ka sa isang hindi nagsasalita ng Ingles, maari kang humingi ng tulong sa pagkuha ng kasulatan galing sa korte sa
http://protectionorder.org/translations.htm.
Ang iyong kalagayan sa pananalapi o pinansyal
Magiging mahirap para sa iyo ang humiwalay dahil sa problema sa pera. Maaari kang makahingi ng tulong kagaya ng: pera , pagkain at pagpapagamot para sa iyo at sa mga anak mo. Tawagan ang
Department of Social and Health Services.
Ang tagapayo mo sa karahasang domestiko at imigrasyon ( immigration and domestic violence advocate) ay makakatulong iyo upang malaman kung ano-ano ang mga nararapat na tulong para sa iyo:
- Ang ibang mga residente ( permanent resident) ay maaring humingi ng kaukulang tulong at pangkalusugang serbisyo base sa kanilang kinikita o income.
- Ang mga refugee ay pasado o nararapat na makatanggap ng tulong mula sa gobyerno at serbisyong pangkalusugan sa loob ng walong (8) buwan na pagtira sa Estados Unidos. Pagkaraan ng walong (8) buwan, ang mga imigrante at refugee ay pasado at nararapat na makatanggap ng pangsamantalang tulong para sa mga nangangailangang pamilya (TANF) sa loob ng animnapung buwan (60).
- Kung ikaw ay humingi ng tulong upang maging permanenteng residente sa pamamagitan ng ( VAWA) maari kang makapasa para makakuha ng parehong benepisyo ng nakukuha ng permanenteng residente.
- Kung ikaw ay walang papeles sa Estados Unidos, ang mga anak mo na ipinanganak sa Estadus Unidos (US citizen kids) ay nararapat na makatanggap ng tulong mula sa gobyerno kagaya ng ibang mga batang ipinanganak dito.
Para sa iba pang impormasyon o tulong tungkol sa mga bagay na legal, tawagan lamang ang
Washington Law Help, makapagbibigay sila ng impormasyon sa ibat-ibang wika.