Multilingual Access Project - Tagalog
Woman

Mga gamit sa Edukasyon (Educational Material)

Ang bahagi ng website ay makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa domestikong karahasan na makatutulong sa iyo, o magagamit mo upang makatulong sa ibang tao.

Marami kang malalaman tungkol sa domestikong pangkarahasan , mga kaugalian na may ibat-ibang kinalaman sa domestikong karahasan, kung paano ang isyu mo sa imigrasyon at ang batas ng Human Trafficking makakaapekto sa iyo.

Ano ang domestikong Pangkarahasan?

Kung ikaw ay sinaktan ng pisikal, inabusong sekswal o sinaktan ang damdamin ng isa sa miyembro ng pamilya o magulang ng iyong mga anak o isa sa mga kadalasang kasama mo sa paglabas, ang tawag dito ay domestikong pangkarahasan.

Mayroon kang karapatan sa proteksyon laban sa taong nananakit o nang-aabuso sa iyo.

Ang ibig sabihin ng domestikong pangkarahasan ay kung may isang tao sa miyembro ng pamilya ang nagkokontrol laban sa isang miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng pananakot , pagbabanta, sekswal na pang-aabuso, pagsubaybay kung saan ka pumupunta, pagkontrol sa inyong pananalapi at pera sa banko, at iba pang pag-uugali na kapareho ng mga ito.

Ang domestikong karahasan ay mapanganib at kadalasan ay nagiging malubha kung hindi hihingi ng tulong.

Sa ibaba ay listahan at halimbawa ng mga pag-uugali kung paano ang ipinapakitang pang-aabuso ng kapareha ay nagiging madalas at nauuwi sa mas mataas na antas ng panganib.

Patuloy na Karahasan

Emosyonal

  • Paulit-ulit na pagsigaw at pang-iinsulto.
  • Pagsisinungaling tungkol sa iyong papeles sa imigrasyon.
  • Pagsisinungaling sa iyong pamilya tungkol sa iyo.
  • Sinasabi na iwanan mo na ang iyong kultura at maging isa kang Amerikano o (puti).
  • Balewalain at iwasan ang iyong damdamin.
  • Hindi pagbibigay ng papuri at suportang emosyonal bilang parusa.
  • Panghihiya sa pribado at sa harap ng karamihan ng tao.
  • Paninisi at pagbibintang o pang-aakusa.
  • Hingin ang lahat ng iyong atensyon o panahon.
  • Pananakot tungkol sa mga bata at sa inyong pagsasama o kasal.
  • Pangmamalit bilang asawa ,mangingibig o kapareha.
  • Ginagawa ang maling paniniwala tungkol sa kanyang ginagampanan na siya ang hari ng tahanan.
  • Pagmamaliit ng iyong kultura at relihiyon.
  • Pagko-kontrol sa mga malaking disisyon.
  • Palaging siya ang nasusunod sa lahat ng bagay.
  • Sinasabi sa iyo na ikaw ay laging nag-iistirika (hysterical) ,sira ulo, parating may suspetsa at gustong pumatay ( homicidal).

Pisikal

  • Hindi pagbibigay ng pisikal na pangangailangan ng kanyang pamilya.
  • Panunulak at panunubsob
  • Pananakal at pagpalo
  • Pananampal, pagtagtag, pangangagat at pangungurot
  • Pagkalog at pamamasa
  • Pamamalo, panununtok at paninipa
  • Pagsalya o pagtapon sa iyo
  • Pagpigil sa iyo habang pinapalo at sinusuntok
  • Pinipigilan kang kumain,uminom ng gamot at matulog
  • Pagkakaroon ng sugat , pagkabali ang buto, at sugat ang loob ng katawan
  • Paggamit ng armas o paggamit ng bagay para gawing armas sa pananakit
  • Maging paralisado, o pumangit ang itsura
  • Pagpatay

Pananakot:

  • Pagtatago at paninira ng mga mahahalagang papeles ( ang iyong pasaporte, pasaporte ng anak mo, ID cards, green cards at iba pa)
  • Paninira ng litrato ng inyong pamilya
  • Paninira ng mga bagay na dinala mo ditogaling sa bansa mo.
  • Pananakot sa mga taong sumusuporta sa iyo,kapamilya mo at mga kaibigan.
  • Pananakot na ibubunyag ang sikreto ng pamilya ninyo.
  • Tinatakot ka niya na siya ay magpapakamatay.
  • Minamaliit niya ang iyong pinagmulan, propesyon at kasarian.
  • Paninira ng iyong mga kasangkapan o kagamitan.
  • Pinapakita niya ang kanyang kalakasan
  • Pinupwersa ka niyang pumirma sa mga dokumento na hindi mo naiintindihan dahil ito ay nakasulat sa wikang Ingles kagaya ng papeles galing sa korte, IRS at imigrasyon.

Sekswal

  • Pagbibiro ng malaswang salita sa iyong kasarian
  • Pagseselos,) halimbawa, binibintangan kang nakikipagtalik sa iba)
  • Hinahawakan ka ng laban sa iyong kalooban
  • Hinahamak ang iyong kasarian
  • Tinatawag ka ng malalaswang salita
  • Pagpilit o paghingi ng sapilitang pakikipagtalik na (may halong pananakot)
  • Pinipilit kang manood o magsagawa ng ponograpiya
  • Pamimilit o pakikipagtalik ng hindi komportable sa iyo
  • Pamimilit at paghingi ng pakikipagtalik pagkapos manganak o bagong opera
  • Panggagahasa
  • Hindi pagbibigay ng kaligayahang sekswal at pagmamahal

Pang-aabusong Pangkabuhayan

  • Pinipilit kang magtrabaho ng bawal kahit wala kang papeles para magtrabaho.
  • Tinatakot kang isusuplong ka sa INS kapag nagtrabo ka ng “under the table”.
  • Hindi ka pinapayagang makakuha ng pagsasanay sa trabaho o pag-aaral (job training or schooling)
  • Kinukuha ng abusado ang pera ng biktima na dapat para sa kanyang pamilya.
  • Hindi ka niya pinapayagan na malaman o magkaron ng akseso sa kinikita ng pamilya.

Paglalayo sa iyo

  • Paglalayo sa iyo sa iyong mga pamilya at kaibigan.
  • Hindi ka niya pinapayagan na matuto ng wikang Ingles.
  • Hindi ka niya pinapayagang makipag-usap na gagamitin ang sarili mong wika.
  • Binabasa ang mga sulat mo at hindi pinapayagang makipag-usap o gumamit ng telepono.
  • Pinapahinto at sinisira ang mga dumadating na babasahin at diaryo sa sariling wika.
  • Hindi ka pinapayagang makahalubilo ng mga taong nagsasalita ng wika mo o mga taong buhat sa iyong komunidad, kultura o bansa.
  • Inaalis ang sistemang kaukulang tulong na para sa iyo.
  • Inilalayo ang iyong damdamin sa pamilya at mga kaibigan.

Paggamit ng mga anak

  • Pananakot na ilalayo o ang iyong mga anak sa Estados Unidos.
  • Pananakot na isusuplong ang mga anak mo sa USCIS INS.
  • Pagkuha ng pera na plano mong ipadala sa iyong bayan bilang suporta sa iyong mga anak.
  • Pagbabanta sa iyo na ipapa-deporte ka at maiiwan sa kanya ang mga anak ninyo dito sa Estados Unidos .
  • Pagsasabi sa iyo na kung ikaw ay humingi ka ng tulong mula sa korte o sa pulis ibibigay sa kanya ng legal na sistema ng Estados Unidos ang pangangalaga sa iyong mga anak.

Ang imigrasyon at pangkarahasang domestiko

Sa ibang mga pangyayari, mayroong nakalaan at tanging batas para ma -protektahan ang mga biktima ng pangkarahasang domestiko at human trafficking.

Subalit, huwag makipagkita o tawagan ang USCIS habang hindi ka pa nakakakuha ng payo mula sa manbabatas (lawyer) o tagapayo (advocate).

Ang batas na nakapasa sa gobyerno ng Estados Unidos na tinatawag na Violence Agaisnt Womens Act (VAWA) ay makatutulong para mabigyan ka ng iba pang legal na proteksyon at iba pang pagpapasiya sa iyong kinabukasan.

Ito ay nabubuo sa dalawang bahagi ng pamamaraan, para sa mga kababaihang imigrante na inabuso at kasal sa US Citizen o lawful permanent residents para makakuha ng permanenteng legal na paninirahan. (legal residency):

Ang batas ay kumplikado, Hindi ka dapat magpunta sa USCIS ng habang hindi ka humihingi ng payo sa mga empleyado ng shelter, abogado ng imigrasyon, at tagapayo ng pangkarahasang domestiko o ahensya ng imigrasyon.

Kung ikaw ay hindi pasado para sa VAWA, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mayroon pang ibang paraan upang maayos ang papeles mo sa imigrasyon kagaya ng new Visa na inilunsad ng kongreso para sa mga biktima ng krimen. Makipag-ugnayan o makipag-usap tungkol sa kalagayan mosa tagapayo ng imigrasyon at domestikong pangkarahasan.

Trafficking in Persons

Ang Human Trafficking ay isa pang uri ng pang-aabuso. Ang trafficking ay isang paglabag sa karapatang pangtao sa buong mundo, ito ay ang pinakabagong pamamaraan ng pang-aalipin . Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Human Trafficking, tumawag sa: