Mayroon bang nananakit sa iyo?
Ginagawa ba ang mga ito ng iyong asawa, kapareha o miyembro ng pamilya?
- Panunulak, panununtok, pananakal o pananakit?
- Paulit-ulit na pang-iinsulto at pangmamaliit?
- Pagtatago at paninira ng mga mahahalagang papeles?
- Puwersahang pakikipagtalik na laban sa iyong kalooban o panggagahasa?
- Tinatanggalan ka ng akseso sa inyong pangkabuhayan o pananalapi?
- Inilalayo ka sa iyong pamilya at mga kaibigan?
- Tinatakot ka na ilalayo sa iyo ang mga anak mo?
- Tinatakot ka na sasaktan at i-deport ka o ang iyong mga anak?
Mayroon kang karapatan na maging ligtas sa iyong tahanan at sa mga taong malapit sa iyo.
Ang Karahasang Domestiko ay nagiging malala kung hindi hihingi ng tulong.
Kung ikaw ay inaabuso, nasa iyo ang pagpapasiya. Maraming tao ang handang tumulong.
Babala para sa kaligtasan:
Ang komputer na ginagamit mo ay maaaring may sumusubaybay. Mahirap na maitago lahat ang website na tinitingnan o pinupuntahan mo. Kung natatakot ka at sa palagay mo na ang komputer na ito ay may sumusubaybay , maaari kang gumamit ng ibang komputer para ligtas ka, tumawag ka sa inyong lokal hotline, o sa National Domestic Violence Hotline ( 1-800- 799-SAFE) 0 (1-800-799-7233).
|