- Lumabas ka ng bahay, at/o tumawag ng pulis.
- Magplano ng maaga kung papaano ka maging ligtas sa panahon ng panganib.
- Humingi ng tulong sa hotline, kublihan (shelter) o mga tagapayo (advocate).
- Sa panahon na inaabuso ka, lumabas ka ng bahay sa lalong madaling panahon, humingi ng tulong sa pinagkakatiwalaang kapit-bahay, kaibigan o miyembro ng pamilya.
- Tumawag ka ng 911 o utusan ang anak mo na tumawag ng 911.
- Kung hindi makalalabas ng bahay, iwasan mong magpunta sa kusina, palikuran at garahe o ibang mapanganib na kwarto sa bahay.
- Sumigaw ng tulong, para marinig ka ng kapit-bahay.
Ang mga pulis ay may sapat na kasanayan para tumulong sa kaso ng karahasang domestiko. Seryoso ka nilang tutulungan. Tawagan mo sila kaagad kung inaakala mong ikaw ay nasa panganib.Huwag kang maghintay. Kung ikaw ay hindi marunong o hindi nakakapagsalita ng Ingles. maaari kang humingi ng taga-saling wika. Ang pulis ay hindi nagpapatupad ng batas tungkol sa imigrasyon. Hotlines - Kung ikaw ay nag-aalala, nangangailangan ng payo o nangangailangan na may makausap, matutulungan ka ng hotline. Maii-ugnay ka ng hotline sa mga taong nagsasalita ng inyong sariling wika, matutulungan ka at ang mga anak mo na ihanap ng pangsamantalang matitirahan at maii-konekta ka sa mga taga-payo o taga-suporta na makakatulong sa iyo sa pagpaplano ng susunod na hakbang. Ang hotline ay nagbibigay ng mga impormasyon at papanatilihing lihim ang iyong mga sasabihin sa kanila. Kung ikaw ay nasa panganib, tumawag ka ng 911. Shelters - Ito ay ligtas na lugar para sa iyo at sa iyong mga anak
Kung kinakailangang lumabas ka ng iyong tahanan dahil ikaw ay nasa panganib, maaari kang tumira at ang iyong mga anak sa Kublihan (shelter) pansamantala. Kung ikaw ay nasa panganib, tumawag ka ng 911. Advocate - Isang taong laging nasa panig mo
Ang advocate ay handing sumuporta at tumulong kung ano ang gusto mong mangyari sa kinabukasan at kaligtasan mo. Siya ay may sapat na kasanayan at karanasan sa pagtulong sa mga taong kagaya ng kalagayan mo .Siya ay makakatulong sa iyo upang maintindihan mo ang mga legal na karapatan at matutulungan kang ikonekta sa iba pang mga tao na makakatulong sa kalagayan mo. Siya ay handang makinig sa kwento o sasabihin mo, makipag-usap tungkol sa mga naranasan mo at sumuporta sa iyo upang maging maayos na maitayo ang buhay na walang karahasan. Kung ikaw ay nasa panganib, tumawag ka ng 911. Ang Paghingi ng tulong sa Pulis Mayroon kang karapatan na mabantayan o maprotektahan laban sa mga taong mananakit at nagbabanta sa iyo.Ang pulis ay makakatulong sa iyo. Kung ikaw ay tumawag ng 911:
- Hihingin sa iyo ang tamang lugar ng iyong tirahan, malinaw na pagsasalaysay ng mga pangyayari at kailan ito naganap, pangalan ng iyong kapareha, araw ng kapanganakan, numero ng lisensya ng sasakyan at ang itsura ng pangangatawan (kulay ng buhok at balat, idad, taas at timbang).
- Ang operator ay magpapapunta ng pulis sa bahay ninyo. Ang pulis ay maaaring hindi makarating kaagad, kaya maghanap ka ng pansamantalang tulong kung saan ka ligtas.
- Mayroon kang karapatang tumawag ng 911 upang protektahan ka ng pulis kung ikaw ay sinasaktan o binabantaang saktan ng iyong kapareha.
- Ang pulis ay handang tumulong at magbantay o magprotekta sa iyo.
- Ang mga lokal na pulis ay hindi naghahayag ng karahasang domestiko sa US Citizenship and Immigration Service. ( Subalit ang USCIS ay maaaring mabigyan ng babala sa pamamagitan ng proseso sa korte) Kung ikaw ay tatanungin tungkol sa iyong katayuan sa imigrasyon, maaari mong sabihin sa opisyal na ayaw mong sagutin ang tanong at kailangan mong kumausap muna ng abogado.
- Sabihin mo sa 911 operators kung ano ang wika mo sa wikang Ingles. Ikokonekta ka ng 911operators sa mga taong nagsasalita ng iyong wika.
- Magiging dalawang tao ang kausap mo, ang tagasaling-wika at ang operator ng 911.
- Kung mayroong mga armas tulad ng baril sa inyong tahanan, sabihin sa pulis kung saan ang mga ito nakalagay.
- Kung ikaw ay nasaktan, ipakita sa pulis ang iyong mga pasa, marka o sugat at iba pang nasaktan sa iyo.
- Kung mayroon kang protection order at may kopya, siguraduhin mong sabihin at ipakita ito sa pulis.
- Paglayuin kayo ng iyong kapareha.
- Humingi ng tagasaling-wika kung kinakailangan.
- Bawat isa sa inyo ay kakausapin at tatanungin.
- Magtatanong at aalamin ang lahat ng anggulo ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari (Kung sinaktan ka o tinakot ng mga nakaraang panahon, mahalaga na malaman nila ang lahat ng ito, sabihin mo sa pulis ang buong detalye.
- Hindi sila aalis hanggang hindi ka ligtas o magpapatupad ng protection order para sa iyo.
- Ikaw ay bibigyan ng mga impormasyon tungkol sa iyong mga legal na karapatan.
- Ikaw ay bibigyan ng impormasyon tungkol sa kublihan (shelter) at ibat-ibang serbisyo sa iyong komunidad.
- Ikaw at ang iyong mga anak ay ligtas na ilalabas ng bahay ayon sa iyong kagustuhan at matutulungan kayo sa transportasyon ng magdadala sa inyo sa ligtas na lugar.
- Maghanap ka ng taong pinagkakatiwalaan mo para magsaling-wika para sa iyo. (Hindi pwede ang nang-abuso sa iyo, mga anak mo, kamag-anak o kaibigan ng nang-abuso sa iyo).
- Maaaring humanap at tumawag ang pulis ng tagasaling-wika sa pamamagitan ng telepono para sila ang magsaling-wika.
- Maaari mong isulat o isalaysay sa iyong sariling wika ang mga nangyari, at ibigay ito sa pulis para isama sa report.
- Maaaring arestuhin ang kapareha mo kung inaakala nila na siya ay nakagawa ng krimen.
- Itanong mo sa pulis ang kanyang pangalan at numero ng lisensya at kung saang presinto at numero ng telepono siya pwedeng matawagan . Ilista ang mga ito at humingi ng tarheta o business card.
- Kuhanin sa pulis ang numero ng insidente(incident number) at isulat ito.
- Kung inaresto at dinala sa kulungan ang nang-abuso sa iyo, maaari siyang pakawalan pagkaraan ng ilang oras o di kaya ay ikulong ng ilang araw o mas matagal. Kung ikaw ay nakarehistro sa tinatawag na VINE makakatanggap ka ng tawag o babala kung kailan lalabas ng kulungan ang nang-abuso sa iyo (Ang ibig sabihin ng Vine ay isang computerized telephone system at ito ay kadalasang ginagamit sa mga kulungan o jail. Walang bayad ang pagpaparehistro dito, tumawag lang sa teleponong- (1-877-425-8463) Magpatulong ka sa iyong tagapayo o advocate o kung sino man na marunong magsalita ng Ingles.
- Kung inaakala mo na hindi wastong iginalang ng opisyal ang iyong karapatan, maari mong ipaalam sa nakakataas na opisyal sa kanya . Karapatan mong gawin ito.Maaaring ang iyong reklamo ay makatulong para mapabuti ang pamamalakad ng kanilang serbisyo para sa ibang tao.

